![]()
Isa na namang naghihingalong insekto. Sa isang sulok. Dito ka nabuhay. Dito ka rin mamamatay. Dito lang umikot ang maliit mong mga binti. Dito lang umikot ang palagi ng nakatungo mong ulo. Ang ulo mong naliligo sa sarili mong dugo. Kasalanan mo naman kasi. Marumi ka. Isa kang isinumpang nilalang. Bawat parte ng katawan mo’y nakapandidiri dapat kang ikahiya. Kaya’tkahit anong gawin mo---- kahit wala kang gawin---- isa kang pagkakamali. Pakalat-kalat ka pa kung minsan. Madali ka tuloy mapagdiskitahan. Hindi ka pa marunong matuto. Alam mo namang ‘pag mainit ang ulo Niya dapat sumiksik ka na sa sulok mo. Siyempre maghahanap siya ng mapagbubuntunan. E, pilit mo pang pinagsisiksikan sa Kanya ang sarili mo. Natural ikaw ang mapagbabalingan. Naaalala mo noon? Pasa-pasa ang katawan mo nang pagbabatuhin ka Niya ng ng bote ng Tanduay, baso, plato, astrey. ‘Buti na lang maliit ka. Nailagan mo yung iba. Pero wala ka ring nagawa nang gawing astrey ang likod mo. Naaalala mo? Pinatay Niya yung sindi ng sigarilyo malapit sa bumbunan mo. Kahit sindihan Niya pa ang buong katawan mo, walang tutulong sa ‘yo. Dadalawa lang naman kayo sa bahay. Dadalawa na nga lang kayo, malimit ka pa Niyang sipain palabas. Gumagapang kang bumabalik sa bahay. Rason Niya kasi, palamunin ka lang. Walang silbi. Kasi Siya, Siya ang nagbabayad sa lahat ng gastusin. Pagod na pagod na nga raw Siya. Pagod na pagod na Siya sa pagiging singer sa naytklab. Gabi-gabi halos lumawit na ang dila Niya sa kakakanta. Halos hindi na Siya huminga sa sikip ng damit niya dahil baka tuluyan nang lumuwa ang Kanyang dibdib. Hindi rin Siya halos maka-upo sa sobrang iksi. At kahit namamanhid na ang mga binti Niya sa sobrang taas ng kanyang hay hils, kailangan ngiti pa rin. Yun bang nang-eengganyo pa rin ang ekspresyon sa mukha. Kahit gusto na Niyang ngumiwi. Gusto na Niyang ngumiwi sa sakit ng katawan. Lalo na pag kailangan Niyang sumaydlayn. Kapos ang suweldo Niya para pambayad sa gastusin. Kaya minsan, pumapayag Siyang magpa-ol da wey. Araw-araw ipinapamukha Niya ang mga paghihirap Niyang’to sa ‘yo. Ikaw, hirap ka rin. Gusto mong makatulong pero wala kang magawa. Kahit nga paglakad, hindi madali sa ‘yo. Kasi may bali ang ang isa mong binti. Naaalala mo noong itinulak ka Niya mula sa kinauupuan mo noong mo noong mas maliit ka pa? Makulit ka kase. Nakakapikon. Doon nagsimula ang pagka-pilantod mo. May nalinsad na buto. Hindi na nanauli sa normal. Normal na sa Kanya ang ilabas
ang mga hinanakit Niya sa mundo. Lalo na ‘pag lasing Siya.
Isang pangalan lang ang bukambibig Niya. Pangalan nung dati
Niyang ka-live in. Walang kuwenta ‘yon. Pagkatapos lustayin
ang mga naipon Niya, nilayasan Siya. Nag-iwan pa ng isang walang
kuwenta. Sana kinukuryente na sa impyerno ang bayag ng pesteng yun.
Pinipilit mo namang magkaroon ng silbi. Kahit madaling araw gising ka pa rin. Matiyagang naghihintay sa Kanya. Pero hindi Niya napapansin yun. Pahinga ang hanap ng katawan Niya. Kaya’t kahit gusto mo siyang kausapin, walang pagkakataon; hindi mo alam kung pa’no sisimulan. Simula pa noon, etsapwera ka sa buhay Niya. Naaalala ka lang Niya ‘pag may kailangan Siyang saktan. Para mailabas Niya ang sakit na nararamdaman. Kaya tinatanggap mo lang ang bawat hataw na galing sa Kanya. Kahit man lang sa ganung pagkakataon, maramdaman mong may silbi ka sa Kanya; makabahagi ka sa nararamdaman Niya. Para kang mangangalahig ng basura. Tuwang-tuwa ka ‘pag may nakukuha ka galing sa kanya; kahit nga ba basura lang. Basura na nga lang ang natatanggap mo, nawala pa. Isang araw umuwi Siyang masaya. Hindi pa man Siya nakakapasok dinig mo na ang hagikhik Niya. Nabuhayan ka ng loob. Gusto mong ngumiti dahil masaya Siya. Gusto mong makiamot sa kaligayahan Niya. Pero natigilan ka. May kasama Siya. Wala silang pakialam sa ‘yo. Nagkulongsila sa kuwarto. Impit na ungol lang ang naririnig mo. Kung minsan humahagikhik pa Siya. Parang may kumikiliti sa kanya. Parang may kumikirot. Sa parte ng dibdib mo. Unang beses mong naramdaman ‘to. Hindi mo alam ang tawag dito. Ang alam mo lang, gusto mo ikaw ang nakapagpasaya sa Kanya. Hindi ang lalaking kasama Niya. Pero pinilit mo na ring maging masaya para sa Kanya. Pinilit mo ring makiamot sa kasiyahan Niya. Akala mo kasi magbabago ang lahat. Hindi na kasi palging mainit ang ulo Niya. Akala mo hindi ka na Niya pagbubuntunan ng galit. Hindi na nga. Dahil kahit paasik na pagpuna hindi ka na nakakatanggap. Para sa kanya, silang dalawa lang ng lalaking yun ang andun. Wala na siyang maibibigay sa ‘yo. Lahat para sa lalaking yun. Ang lalaking yun. Mang-aagaw siya. Kaya mo namang gawin ang ginagawa niya, di ba? Hahalikan mo lang Siya sa labi, sa leeg, sa pisngi, at sa dibdib. Sa buong katawan. Nanigas ang katawan Niya. Nang halikan mo Siya. Naramdaman mo ang pandidiri galing sa Kanya. Para kang sinampal. Siguro hindi ka lang marunong. Siguro may ginagawa ang lalaking yun na hindi mo lang napapansin. Kaya’t nagpapansin ka sa lalaking yun. Gusto mong matuto. Lumapit ka. Panaka-naka, tinatapunan ka niya ng tingin. Kahit ayaw mo sa kanya, pinipilit mong ibalik ang sulyap niya. Gagawin mo ang lahat para sa Kanya. Para sa Kanya ‘tong ginagawa mo. Ito ang paulit-ulit mong iniisip kapag hinahawakan ka ng lalaking yun. Hinahayaan mong hipuan ka niya. Kasi nakikita mong doon nagsisimula ang ang ginagawa niya sa Kanya. ‘Pag hinihimas niya Siya, gustong-gusto Niya. Lumalambot ang mga linyang nagpapasungit sa Kanyang mukha. Gustomo, ikaw ang tuluyang makabura sa mga markang ito. Burado ang lahat ng laman ng utak mo. Ayaw mong mag-isip. Ayaw mong makaramdam. Ayaw mong maramdaman ang sakit sa pagitan ng iyong hita. Ipinasok niya dito ang kanyang daliri. Gusto mong umiyak. Pero hindi ka nagreklamo. Malay mo ba kung ito pala ang ginagawa niya sa Kanya. Sabi niya naman kasi magugustuhan mo rin ito pag nasanay ka na. Sana’y may iba pang paraan para mapalapit ka sa Kanya. Pero wala ka nang ibang alam. Tinitiis mo na lang ang kirot. Kahit halos mapunit ang katawan mo nang ipasok niya ang nakalawit sa pagitan ng kanyang hita. Pakiramdam mo isang malaking sugat ang mura mong katawan. Lalo na sa pagitan ng iyong hita. Sa pagitan na lababo at kubeta niya unang ginawa ito. Sa isa na namang sulok. Sa pangalawang beses naabutan Niya kayo. Halos hindi Siya makapagsalita. Pero sumigaw rin Siya nang sumigaw. May mga sinabi Siya; tungkol sa hirap na dinanas Niya. Disi-nwebe lang Siya nang mabuntis. Abandonada. Binuhay ka pa rin Niya. Dapat sana pinatay ka na lang Niya. Gusto ka Niyang patayin. Nabasa mo ito sa mukha Niya. Pero wala kang ginawa. Hindi ka nagpaliwanag. Hindi mo sinabing gusto mo lang mapalapit sa Kanya kaya mo ‘to ginawa. Hinayaan mong baluting ka ng emosyong galing sa Kanya. Lahat yon oara sa ‘yo. Sa ‘yo. Hindi sa lalake Niya. Hindi para sa dati Niyang ka-live in. Hindi para sa mga lalaking binayaran ang katawan Niya. Sa unang pagkakataon alam mong alam Niyang ikaw ang nasa harapan Niya. Nang hampasin ka Niya ng silya, alam mong ikaw ang dahilan. Pangalan mo ang isinusumpa Niya sa bawat hampas. Pangalan mo ang minumura Niya habang naghahalo ang Kanyang uhog at luha. Luha Niya ang tumalsik sa mukha mo. Maalat. Pareho ng dugong tumatagas sa ulo mo. Natikman mo ito. Nilunok mo ang Kanyang luha at sarili mong dugo. Ang dugo mong nagmula rin naman
sa Kanya.
|